Una sa Balita

Pope Francis humalik sa paa ng mga South Sudan leader

0 247

LUMUHOD at hinalikan sa paa ni Pope Francis ang mga lider ng South Sudan bilang pagpapakita ng respeto at pagpapakumbaba sa dalawang araw na spiritual retreat na ginanap sa Vatican.

“I am asking you as a brother to stay in peace. I am asking you with my heart, let us go forward,” ayon sa 82-year-old pontiff.

Sa nasabing retreat sa Vatican ng mga African leader ay hiniling ng Santo Papa sa South Sudan president at opposition leader na magkasundo at pairalin ang kapayapaan.

“I express my heartfelt hope that hostilities will finally cease, that the armistice will be respected, that political and ethnic divisions will be surmounted, and that there will be a lasting peace for the common good of all those citizens who dream of beginning to build the nation,” ayon pa kay Pope Francis.

Pinagsama sa spiritual retreat sina President Salva Kiir at opposition head Riek Machar gayundin ang tatlong vice president ni Kiir.

Naiyak naman si South Sudanese Vice President Rebecca Nyandeng Garang sa ipinakitang aksyon ni Pope Francis.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy