Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pope Francis handang mamatay sa Rome

0 120

“I will not go back to Argentina.”

Pahayag ito ni Pope Francis nang tanungin tungkol sa kamatayan, sa ulat ng America Magazine, isang publikasyon ng mga Heswita sa United States.

Sa panayam ni Argentinian journalist-doktor Nelson Castro sa Santo Papa noong 2019, na nilabas nito lang Sabado, sinabi ng Santo Papa na inaasahan niyang pumanaw, “As pope, either in office or emeritus.”

“And in Rome. I will not go back to Argentina,” punto niya pa na nangangahulugang inaasahan niyang mailibing sa Roma at hindi sa Buenos Aires, kung saan siya tumira sa halos tanang buhay niya.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tinanong din ni Castro kung naiisip ba ni Pope Francis ang kamatayan, at tumugon ang huli: “Yes.”

Pero nang usisain kung natatakot ba siyang mamatay, sagot ng Santo Papa: “Absolutely not.”

Ang panayam ay ginawa ni Castro para sa kanyang bagong libro tungkol sa kalusugan ng mga pope, mula kay Leo XIII hanggang kay Francis. (Riley Cea)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.