Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pope Francis diri sa mga manyak na pari

0 198

Nahihiya si Pope Francis dahil sa mga kaso ng sexual abuse na nangyari sa ilang simbahan sa France kung saan nabiktima ang aabot sa 216,000 kabataan simula pa noong 1950.

Matapos ang pagtitipon sa Vatican, sinabi ng Santo Papa na lubos siyang nasasaktan sa trauma na nararamdaman ng mga batang natipuhan ng mga pari.

“I would like to express my sadness and pain for the trauma they experienced. It’s my shame, our shame, that the Church couldn’t put them at the center of its concern for too long,” lahad ni Pope Francis.

Matatandaan na nilabas ng French Independent Commission on Sexual Abuse in Church (CIASE) ang isang report kung saan 2,900 hanggang 3,200 pari at iba pang alagad ng simbahan ang pinagtakpan sa kanilang ginawang sexual abuse.

Leave A Reply

Your email address will not be published.