Una sa Balita

‘Ponzi’ syndicate sa Mindanao durugin

Mga sundalo, pulis, titser, negosyante nabiktima

0 660

IBINUNYAG ng isang kongresista na aktibong-aktibo pa rin ang pangraraket ng isang grupo gamit ang ‘ponzi scheme’ sa iba’t ibang parte ng Mindanao kung saan karamihan sa mga nabiktima ay mga sundalo, pulis, titser at negosyante.

Ito ay sa kabila ng inilabas na babala ng Securities and Exchange Commission (SEC) patungkol sa nasabing sindikato.
Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Party-list Rep. Jericho Nograles, patuloy ang pang-eenganyo at pambibiktima ng grupo sa General Santos City, Davao City, Bislig at mga lugar sa Central at Southern Mindanao.

Kinalampag ng solon ang National Bureau of Investigation (NBI) na mag-step up para maaresto ang mga galamay ng sindikato.

Sa lalong madaling panahon ay kinakailangan aniyang matigil ang operas­yon ng grupong tinatawag na KAPA Community Ministry International, Inc., na sangkot sa large-scale investment fraud na kapareho ng diskarte ng notor­yus na Aman Futures Group at nakapambikitma ng halos 12,000 katao sa Mindanao at tumangay ng P12 bilyong cash.

Binanggit ni Nograles na hindi kagaya ng Aman Futures na nag-aalok ng malaking porsiyento ng kita, ang KAPA ay nagpapanggap na religious group at marami umano itong tagasunod.

Inihayag ng solon na naglabas na ang SEC ng abiso noong Oktubre ng nakalipas na taon para mabalaan ang publiko sa iligal na operasyon ng KAPA.

Sa kabila nito walang ikinasang operasyon ang mga awtoridad para matigil ang pambibiktima ng grupo. Ginagamit umano ng KAPA ang website at Facebook account para makapanghikayat.

Nanindigan naman ang KAPA na lehitimo ang kanilang grupo at nakarehistro sa SEC sa ilalim ng Company Registration No. CN2017707724.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy