Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pontejos,’Pinas pinitas ginto

0 88

HANOI, Vietnam — ‘Di sumapat ang 18 points, 6 rebounds at 3 assists ni Janine Pontejos para maungusan ng Malaysia, 96-93, pero naidepensa pa rin ang korona sa 31st Southeast Asian Games 2022 women’s basketball sa Tranh Tri Gymnasium dito Linggo ng umaga.

Tres ni Yin Yin Chong sa last 42 seconds ang naging armas ng Malaysians para tumapos ng 2-3 record sa naging no-bearing game dahil sinikwat na ng Gilas women ang gold medal makalipas tumumba ng Malays sa Vietnamese nitong Sabado ng gabi, 69-65.

Wapakels na rin ang Pinay quintet manalo man ang Indonesia (4-1) kontra Singapore (0-4) sa susunod na game habang sinusulat ito, dahil sa bisa ng winner-over-the-other rule at tangayin ang tagumpay na napasakamay sa 2019 PH SEA Games.

“I still tap my hats off for the girls. They played their hearts out. It’s just not as sweet as we want it to be. But we are still gold medalist. I’m so proud of them having that feat,” sumang litanya ni national coach Patrick Henry Aquino.

Kasabwatan ni Pontejos si Afril Bernardino na kumayod ng 16 markers, tig-7 boards at steals, at 3 feeds.

Pasabog sa Malaysians sa iniskor na 25 bawat isa sina Yin Yin Chong at Fok Yee Yap.

Ang iskor:

Malaysia 96 – Chong Yin Yin 25, Yap Fook Yee 25, Pang Hui Pin 21, Saw Wei Yin 10, Toh Ke Hui 7, Foo Suet Ying 6, Lee 2, Phey 0, Sin 0, Jo 0.

Philippines 93 – Pontejos 18, Bernardino 16, Bade 13, Fajardo 12, Surada 10, Cabinbin 10, Castillo 5, Clarin 3, Tongco 3, Berberabe 2, Guytingco 1, Castro 0.

Quarters: 25-28; 58-54; 77-71; 96-93. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.