Una sa Balita

Pontejos, Gilas Women laglag na

0 320

WALA nang tsansang umusad sa ­susunod na round ang Gilas ­Women matapos silang tambakan ng Korea, 114-75, sa 2019 FIBA Women’s Pre-Olympic Qualifying Tournament Sabado sa Trusts Arena sa Aukland, New Zealand.

Wala pang panalo ang Gilas Women matapos ang dalawang salang, huli nilang makakaharap ang China ngayong araw.

Unang bumutas ang mga Pinay sa bisa ng tres ni Janine Pontejos, pero gumanti ng 22-0 rally ang mga Koreana at hindi na muling lumingon pa.
Nagsalpak ang Korea ng 21 mula sa 46 bato sa tres para sa 45 percent three-point shooting at 50 percent naman sa field.

Pinalobo sa 45 puntos na abante ng Korea ang lamang sa Gilas Women sa jumper ni Kan Leeseul sa huling 1:30 segundo, 114-69.

Balewala ang 19 points ni Afril Bernardino para sa Gilas Women, na may palamuti pang 8 rebounds at 2 steals.

May 13 markers si Pontejos sa likod ng 3-of-10 shooting. (Aivan Episcope)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy