Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pons pukpok sa training

0 213

BATAK na muli sa pag-eensayo si beach volleyball star Bernadeth Pons na ipinasilip ang kanyang morning training.

“Everyday is a new opportunity to become better than you were yesterday. Commit yourself and embrace the challenge,” sey ni Pons via Instagram. “A little snippet from this morning training.”

Magugunita noong Nobyembre, inirepresenta ni Pons ang bansa sa nagdaang 2021 Asian Senior Beach Volleyball Championships sa Phuket, Thailand katambal si Cherry Ann Rondina.

Matatandaan rin na nagreyna ang dalawang beach volleybelles sa nakalipas na Beach Volleyball Republic on Tour sa Santa Ana, Cagayan kung saan namayagpag sina Pons at Rondina ng Creamline sa first at second leg ng torneo. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.