Una sa Balita

Pons, Petron ibabaon ang Generika

0 234

Mga laro ngayon:
(Bacoor Strike Gym)
4:15pm — Foton vs Sta. Lucia
7:00pm — Petron vs Generika-Ayala

NAIS ng defending champion Petron Blaze Spikers na ipagpatuloy ang kanilang momentum pagharap nila sa Generika-Ayala Lifesavers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference.

Nakapuwesto sa second spot ng team standings tangan ang 6-1 karta, babanggain ng Blaze Spikers ang Lifesavers sa alas-siyete nang gabi sa Bacoor Strike Gym sa Bacoor City.

Huhugot ng lakas ang Blaze Spikers kina Cherry Ann Rondina, Aiza Maizo-Pontillas, Bernadeth Pons, Mika Reyes at Rhea Dimaculangan upang siluhin ang limang sunod na panalo.

Matapos pagulungin ng Petron ang Sta. Lucia Lady Realtors sa kanilang huling laro sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, kumbinsido na si coach Shaq Delos Santos na naka-recover na sila mula sa kanilang pagkatalo sa po­werhouse F2 Logistics Cargo Movers.

Tiyak naman na manlilisik ang Lifesavers dahil pakay nilang bumawi sa Blaze Spikers na tinalo sila sa first round.

Ipantatapat ni Generika mentor Sherwin Meneses sina Angeli Araneta, Fiola Ceballos at Patty Orendain para makuha ang inaasam na panalo.

“They shouldn’t play with low morale because this is the first time that we fi­nished third in the first round,” ani Menes­es. “Before we started slow but now is a good time to be confident.” (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy