Una sa Balita

Pons, Creamline may paala-ala vs COVID-19

0 463

May munting paalala para makaiwas sa coronavirus disease sina Bernadeth Pons at Creamline Beach volleyball team na kanilang ibinahagi sa Twitter.

Kasama ni Pons sa nagbigay mensahe sa video clip sina Dimdim Pacres, team manager Amanda Villanueva, Anthony Arbasto, Jaron Requinton, James Buytrago, Dij Rodriguez at iba pa upang paalalahanan ang lahat kontra sa coronavirusa disease.

“A simple reminder for everyone para sa COVID-19! Kasama ninyo ang Creamline Beach Volleyball Team sa laban kontra COVID-19.

Makiisa tayo, tulong-tulong at malalagpasan din natin ito. Always pray and keep safe everyone! @CreamlineBeach,” tweet kahapon ni 2019 PH Southeast Asian Games womens beach volleyball bronze medalist Pons.

Na-postponed ang Beach Volleyball Republic (BVR) On Tour sa Puerto Galera at Dumaguete ngayong taon dahil sa COVID-19 pandemic. (Janiel Aabby Toralba)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More