Una sa Balita

Pondo sa nasalantang paaralan sa Mayon pinamamadali

By
0 1,425
Minamadali ng Department of Education (DepEd) ang pagpapalabas ng pondo para sa mga naapektuhang school division sa Albay, Legazpi City, Ligao City, at Tabaco City matapos maapektuhan ang mga paaralan sa pagputok ng bulkang Mayon.
 
Gagamitin ang pondo para sa agarang pagpapatayo ng may 208 temporary learning spaces (TLS) para maipagpatuloy ng 16,791 mag-aaral ang kanilang klase matapos nilang mag-evacuate dahil sa pag-alboroto ng bulkan.
 
Kaugnay nito, kinumpirma ng DepEd na tuloy pa rin ang klase ng mga mag-aaral sa mga lugar na naapektuhan ng Mayon kahit na nasa evacuation centers sila ay nagsisilbi pa rin ang mga guro at school staff, kasabay  nang patuloy na monitoring  sa mga apektadong lugar.
 
Base sa report ng DepEd Region 5, sa 33 schools na ginamit bilang evacuation centers ay mayroong 445 classrooms na ginamit ng 8,583 families na naapektuhan ng pagsabog ng Mayon ngunit tiniyak ng ahensya na pagpapatuloy pa rin ang pagtuturo sa mga kabataan na nasa loob ng evacuation centers.
 
Umaasa naman ang DepEd na maglalaan ng mga evacuation centers ang pamahalaan upang hindi na sa mga paaralan ilagay ang mga naapek­tuhan ng kalamidad upang hindi maantala ang pag-aaral ng mga kabataan.