Una sa Balita

Pondo pa sa Marawi rehab hinirit

By
0 1

Umapela ang pamahalaang lalawigan ng Lanao del Sur sa mga mambabatas na bigyan ng prioridad ang paglalaan ng pondo para rehabilitasyon ng Marawi City.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Assemblyman Zia Alonto Adiong, spokesperson ng Provincial Crisis Management Committee, kailangang magkaroon ng sapat na pondo para sa rehabilitasyon para maibalik agad sa normal ang pamumuhay ng mga residenteng apektado ng gulo.

Sa ngayon ay patuloy ang pagtaya ng engineering brigade ng militar gayundin ang DPWH sa kabuuang halaga ng pinsalang idinulot ng kaguluhan.

Abante Hiring – IT dep

Una nang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi sapat ang P50 milyong halaga para maibalik sa dating anyo ang lungsod ng Marawi.