Una sa Balita

Pondo ng SK sa Negros Occidental hinirit na mailabas

0 373

HINIRIT ni Negros Occidental Rep. Albee Benitez na ilabas ang pondo ng Sangguniang Kabataan para sa implementasyon ng mga proyekto sa lalawigan gayundin magamit sa honoraria ng mga SK officials.

Ayon kay Benitez, ang nasabing SK funds ay hindi pa umano naibi-bigay simula nang manungkulan ang mga ito noong nakataang taon dahil sa kawalan ng Implementing Rules and Regulations and Guidelines.

Aniya, isang joint circular ang ipinalabas subalit hindi ito napadala sa mga regional office.

Sa ialim ng umiiral na batas, 10 percent ng general fund ng mga barangay ay inilalaan sa SK.

Ang pondo ay gagamitin sa youth deve-lopment at empowerment purposes, ayon kay Benitez.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy