Pondo ng 4Ps ‘padala’, OKs na

By

Inaprubahan na ng Commission on Audit ang pagpapalabas ng P277.99M pondo sa Department of Social Welfare and Development para ipambayad naman sa mga conduits na nagbayad ng payout sa mga beneficiary ng Pantawid ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o Conditional Cash Transfer (CCT) noong 2013.

Nabatid na ang nasabing pondo ay mapupunta sa Philippine Postal Corporation, (P129.85M) Globe G-Cash (P81.34M), M Lhuillier (P35.15 million), Cash Card (P20.79 million), rural banks o countryside financial ins­titutions (P8.9 million) at iba pang over-the-counter transaction (P1.95M).

Ipinaliwanag ng COA na natagalan ang pagbabayad ng money claim dahil na rin sa hindi magkakatugmang mga disbursement voucher, sa inisyal umano ay nasa P673.95M ang hinihinging payout ng mga private companies subalit ang tanging inaprubahan lamang ng COA ay ang mga may kaukulang supporting documents.

Ang kanila lamang umanong inaprubahan ay ang mga may liquidation at naberipika ng DSWD field and regional offices.


SHARE