Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Ponce bobomba sa Choco Mucho

0 48

PANIBAGONG alas ang napasakamay ng Choco Mucho Flying Titans nang ma-recruit nila si Thang Ponce para sa darating na 2022 PVL Open Conference simula Pebrero.

Mismong ang Choco Mucho ang nag-post sa kanilang social media page ng larawan na nagpapahiwatig na nabingwit na nila ang former Adamson libero.

“Here we go! Really great THANGz are coming! Our defensive lineup is untouchable as a Lady Falcon defensive specialist is set to join the team,” caption sa nasabing post.

Swak naman ang pag-landing ni Ponce sa koponan dahil kamakailan lang ay nagpaalam ang dati niyang team na Perlas Spikers.

Magiging kapalitan niya sa Flying Titans si Denden Lazaro-Revilla na starter libero ng koponan. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.