Una sa Balita

Pomoy kinapos sa tili kaya olats

0 564

Sa nakaraang episode ng “Tonight With Boy Abunda”, tinawagan ni Kuya Boy sa telepono ang “Ame­rica’s Got Talent” grand finalist na si Macelito Pomoy na nasa bansa ngayon.

Siguro ay hindi kaya ng schedule ni Marcelito na makapag-guest nang live kaya minabuti na lang na sa phone na lang mag-usap.

Una siyempre ay binati agad ni Abunda ang singer. At ayon kay Pomoy, kinabahan talaga siya sa pagkanta ng “Beauty and the Beast” dahil para sa kanya ay hindi raw talaga iyon pang-singing contest.

Pero nang tanungin naman ni Tito Boy kung totoo nga bang si Simon Cowell ang pumili ng kanta, nilinaw naman ng singer na choice iyon ng mga musician.

“‘Yung kantang ‘yun para sa akin, hindi po talaga siya pang-contest, kasi wala siya ‘yung climax, ‘yung mataas.

“Actually po talaga, ‘yung mga musician, ang mga coordinator ni Simon ang talagang naghanap ng music, kasi nagbabase lang sila sa comment ni Simon,” paliwanag pa ni Pomoy.

Sinabi rin niya na kinulang na sa oras kaya ‘yung “Beauty and the Beast” na ang napili na ipakanta sa kanya sa araw na iyon.

“Sabi ko sa sarili ko, makanta ko lang nang maayos ‘to okay na, wala nang problema,” dagdag pa ni Pomoy. (Athena Yap)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More