Una sa Balita

Pomoy 3rd runner-up sa ‘AGT’

0 471

Bigong masungkit ni Pinoy singer Marcelito Pomoy ang kampeonato sa “America’s Got Talent: The Champions”.

Inanunsiyo bilang pang-apat o third runner-up si Pomoy sa US talent show Martes (PH time), Pebrero 18, 2020.

Tinanghal ng dual voice singer ang version nina Celine Dion at Peabo Bryson ng “Beauty and the Beast” sa AGT: Champions Grand Finals.

Sa “America’s Got Talent: The Champions” pinagsama-sama lahat ng mga nanalo sa international Got Talent franchises.

Matatandaang nagwagi sa “Pilipinas Got Talent” si Pomoy noong 2011.

Cowell bawal tumuntong
sa Pilipinas

Nawalan ng kredibilidad ang “America’s Got Talent” nang hindi manalong grand champion ang Pinoy Pride na si Marcelito Pomoy.

Unti-unting naglalabasan sa mga vlog ang obserbasyon nila tungkol sa pagmamanipula raw ng isa sa mga hurado na si Simon Cowell para hindi manalo si Marcelito.

Sa YouTube channel ni Katalinuhan Facts, binusisi niya ang record na naitala ni Marcelito mula nang ma-impress niya ang mga judge sa unang sampa pa lang niya sa ta­lent search hanggang sa pagkakaawit niya ng “Beauty and the Beast”.

Ayon sa kanya, halos lahat ng mga YouTuber ay kumbinsidong may pinakamara­ming views ang bawat performance ni Marcelito lalo na ang pagkanta nito ng “Time To Say Goodbye” na nag-number one sa YouTube noong mga sandaling iyon. Sa simula pa lang ay nagtala na agad ng 5.7 million views.

Puwede na ngang maihilera si Marcelito kung paramihan ng views sa YouTube kina Jennifer Lopez at Shakira sa performances nila sa Super Bowl.

At kahit saang survey nga ay si Marcelito ang itinuturo nila na dapat magwagi.

Ramdam nga raw na ayaw ni Simon kay Marcelito. Puna ng YouTuber na si Master Lee, madalas ay negative ang comment ni Simon kay Marcelito.

Napansin din ng isa pang YouTuber ang parehong appea­rance ni Simon na pareho ang suot na T-shirt at pareho rin ang background ng audience. Parang recycled nga raw ang mga content ng comment nito at pati hand gesture.

Naloka sila na kinuwestiyon daw ni Simon ang choice of song ni Marcelito na “Beauty and the Beast” gayong ito naman daw ang pumili ng kanta.

Ramdam na ramdam nga raw na sinabotahe talaga ni Simon ang Pinoy singer. Ganoon din daw ang ginawa nito sa grupong 4th Impact na impressive ang mga performance, na nalag­lag sa dulo dahil sa negative comment ni Simon.

Hanggang ngayon galit na galit hindi lang ang mga Pinoy, kundi ang lahat ng mga tagahanga ni Marcelito sa buong mundo kay Simon.
Kaloka! (Rey Pu­maloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More