Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Polusyon na plastic nakaabot sa Mt. Everest

0 314

Nadiskubre ng mga mananaliksik ang maliliit na plastic sa Mount Everest, ang pinakamataas na peak o tuktok sa mundo.

Natagpuan ang maliliit na plastic fiber sa lugar na tinatawag na balcony, ilang daang metro malapit sa tuktok ng Mt. Everest. Galing umano ang mga ito mula sa mga kinolektang snow sample sa 11 lokasyon sa Everest, na may tinatayang 5,300 metro hanggang 8,440 metrong taas.

Pinakamaraming microplastic ang nakita sa palibot ng Base Camp, kung saan nananatili ang mga climber at trekker. Posible umano na galing ang maliliit na polusyon mula sa mga damit, tent, at tali na gamit ng mga mountaineer, ayon pa sa mga nagsagawa ng pag-aaral.

Ayon kay Imogen Napper, scientist mula sa University of Plymouth na nanguna sa research, “Mount Everest is somewhere I have always considered remote and pristine. To know we are polluting near the top of the tallest mountain is a real eye-opener.”

Noong nakaraang taon, napaulat din ang natagpuang plastic bag sa Mariana Trench, ang pinakamalalim na bahagi ng karagatan. Patunay umano na mayroon nang polusyon ng tao sa buong planeta.

Leave A Reply

Your email address will not be published.