Una sa Balita

Polong Duterte hinamon na magkusa sa shabu smuggling probe

By
0 113

Hinamon ng isang Obispo ng Simbahang Katolika ang presidential son na si Davao City Vice Mayor Paolo “Polong” Duterte na magkusa sa imbestigasyon ng Senado hinggil sa P6.4 bilyong smuggled shabu at ‘wag nang hintaying imbitihan ito kung totoong malinis ang kanyang konsensya sa isyu ng smuggling.

Ayon kay Archbishop Emeritus Oscar Cruz, hindi biro ang pagkakasangkot ni Polong sa imbestigasyon ng Senado kaya marapat na humarap ito sa Senate probe upang hindi mabahiran ang kredibilidad ng kanyang amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

Pagkakataon din umano niya ito upang malinis ang pangalan ng Duterte sa isyu ng smuggling sa Bureau of Customs (BOC) lalo na ang pagkakasangkot ng batang Duterte sa ‘Davao Group’.

Iginiit ni Cruz na mahalagang linisin ni Polong ang kanyang pangalan lalo’t pangunahing adbokasiya ng kanyang ama ang pagsawata sa illegal na droga at korapsyon sa bansa.

“Pagka’t nakakahiya na ang tatay nya ay may kinakanta, siya naman ay iba ang himig. Magkasalungat. So, siya mismo ay dapat lumantad na, magsalita na. Huwag na hintayin ang tawag ng Senado,” paghimok ni Cruz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy