Una sa Balita

Polo squad sampa sa medal round

0 283

UMABANTE ang Philippine polo team sa medal round matapos nilang sipain ang Indonesia, 6-4.5, sa 30th Southeast Asian Games Division A 4-6 goals mixed qualifier kahapon sa Inigo Zobel Polo Facility sa Calatagan, Batangas.

Nakapagtala ang Nationals ng dalawang panalo sa tatlong laro.

Lumuhod sa unang salang, sumilo ng dalawang sunod na panalo ang Nationals matapos magsanib puwersa sina skipper Vicente Bitong, Stefano Juban, Eduardo Miguel Lopez at Augustus Aguirre.

Noong Martes nagwagi ang Pilipinas sa Malaysia, 8.5-5, habang lumuhod sila sa Brunei, 8-8.5, sa kanilang unang laro.

Sa Linggo ang bakbakan para sa medal round.

Nalasap naman ng Indonesia ang pangatlong sunod na talo. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy