Una sa Balita

Polo Park ng Valenzuela may makeover

0 235

BUBUHAYIN at pasisiglahin ng Valenzuela City ang pagkilala sa Polo Park bilang isa sa kilalang historical landmark sa siyudad na kung saan ay ginanap kahapon (Martes) ang inagurasyon nito sa Barangay Poblacion, Valenzuela City.

Hindi nakakalimot si Valenzuela City ­Mayor Rex Gatchalian na kilalanin ang mga taal na ­Valenzuelano kaya sa pamamagitan ng programa at pagpapaayos ng lugar ay mas makikilala ito ­bilang landmark.

Katuwang ng Valenzuela City ang ­Department of Budget and Management’s (DBM) Green Green Green Program na binuo ang bagong Polo Park na kakikitaan ng mga halaman, maberdeng ­kapaligiran at may malaking espasyo para sa parke.

Makikita rin sa Polo Park ang historical ­identity sa memorial wall para sa mga war veteran, ­intage-inspired fountain, lokal na bayani na si Dr. Pio ­Valenzuela at Dr. Jose Rizal statues. (Vick Aquino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More