Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Polo nabuntis na si Paulyn

0 40

Dagdag na si Polo Ravales sa magiging daddy sa taong ito dahil buntis na ang fiancee nitong si Paulyn Quiza. Sa kanyang Facebook account, pinost ng former teen star ang ultrasound ng kanilang baby. Masayang-masaya si Polo dahil natupad na ang matagal na nilang hinihiling ni Paulyn.

“Thank You Lord for this Miracle and Blessing. We are excited to meet you Baby P,” caption pa ni Polo sa photo.

SM food to go Banner Ad

Na-engage sina Polo at Paulyn noong 2018. Wala pa silang nababanggit na wedding plans dahil sa kasalukuyang nagaganap na pandemic.

Bago ma-engage si Polo, na-link ito sa maraming showbiz at non-showbiz girls. Sa showbiz, na-link romantically si Polo kina Sunshine Dizon, Kristine Hermosa, Alessandra de Rossi, Krista Kleiner, Jean Garcia at Ara Mina. (Ruel Mendoza)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.