Una sa Balita

Politiko takot sumakay sa cargo plane

0 537

KILALANG matapang itong isang politiko sa bansa kung saan kahit na sibat ay kaya nitong salagin.

Pero tulad ng ibang ordinaryong tao, may itinatagong phobia rin ang politikong ito.

Takot daw kasi itong sumakay sa mga cargo plane ng militar.

Kahit na kayang lumipad ng mga C-130 sa bagyo, hindi pa rin type ng politiko na sumakay dito.

Eh paano naman kasi, walang ­maayos na upuan sa cargo plane at minsan na ring nasangkot sa crash ang ganitong uri ng eroplano.

Pintahan niyo na. Ang politiko na takot sumakay sa cargo plane ng military ay may letrang S sa kanyang apelyido as in Suwabe.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy