Una sa Balita

Politiko sinuhulan ng mansyon sa eleksyon

0 821

MARAMI sa mga tuma­takbo sa halalan ay ginagawang hanapbuhay ang kandidatura dahil sa mas malaki ang naiipon na pondo sa kampanya kaysa sa gastos.

Pero itong isang politiko na minsang tumakbo sa pagka-alkalde, nagawa niyang makapagpatayo ng mansyon sa tulong ng kalaban sa halalan.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na sinuhulan daw kasi ang politiko ng mansyon at cash para magpatalo lamang sa halalan.

Aba’y sinunggaban daw agad ng politiko ang offer, paano naman kasi ay mahina ang P50 milyon sa halaga ng mansyon pa lamang.

Kaya nang matalo daw sa halalan ang politiko, maraming supporter ang nalungkot at dahil hindi ito nagwa­ging alkalde.

Pero itong wais na politiko, abot tenga ang ngiti dahil nagkaroon siya ng bagong mansyon para magsilbing tirahan ng kanyang karelasyon.

Pintahan niyo na. Ang politiko na sinuhu­lan ng mansyon sa eleksyon ay minsang nasangkot sa scam. May letrang L sa kanyang pangalan as in Luto ang kanyang pagkakatalo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy