Una sa Balita

Politiko ninakawan ng mga panabong

0 571

Luhaan ang isang kilalang politiko sa labas ng Metro Manila matapos looban ang kanyang farm at tangayin ang mamahalin niyang mga panabong na manok.

Kilala si politiko na malakas sa sabong at isa rin siya sa mga ginawa nang negosyo ang paboritong ‘past time’, ang nag-aalaga at nagbebenta siya ng panabong na manok sa halagang P20,000 bawat manok.

Ang style na ginamit ng mga salarin para mapasok ang farm ni politiko ay ang mismong ‘code’ ni politiko sa kanyang katiwala at mga tauhan sa farm: wangwang.

Abante Hiring – IT dep

Yes mga pare ko at mare, kinahon at kinabisado ng mga suspek ang ginagawa ni politiko tuwing papasok sa malawak niyang lupain at ito ay ang pag-sirena o pag-wangwang pag nasa tapat na siya ng farm at saka sya pagbubuksan ng gate.

Tanghaling tapat nang gawin ng mga suspek ang panloloob at walang nagawa ang katiwala at mga tauhan nang tutukan sila ng baril.

Alam nyo ba ang ginawa ng mga suspek sa mga manok para hindi maingay paglabas nila sa farm? Inilagay ang mga panabong sa mga binasang sako dahil hindi pala nag-iingay ang manok kapag sinilid sa basang sako.

***

Ang tigas talaga ng ulo ng ilang appointees sa matataas na puwesto sa gobyerno. Ilan beses pa ba kailangan idiin ni Pang. Duterte na ayaw niya sa mga opisyal na mahilig maglakwatsa para sumunod kayo at tigilan ang pamamasyal gamit ang pera ng bayan.

Hindi pa ba kayo natuto sa mga sinampolan ng Pangulo – Deve­lopment Academy of the Philippines, Pres. Elba Cruz, Chairperson Terry Ridon ng Presidential Commission on the Urban Poor, at Marina Administrator Marcial Amaro III?
Namumurong magaya sa tatlo si PhilHealth OIC Dr. Celestina Ma. Jude dela Cerna na ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ay iniimbestigahan base sa report ng Commission on Audit (COA).

Kayong mga opisyal mabuting sumunod na lang kayo at tigilan niyo na ang ‘junket’ kasi malinaw na bis­tado ng Pangulo na wala naman napapala sa mga lakad na yan na aksaya lang ng pera ng bayan.

Kung nasanay kayo sa galaan gamit ang pera ng bayan kaila­ngan nyong tiisin dahil sa administrasyong ito tiyak na isasama kayo ng presidente sa mga lalabardahin nya sa publiko.