Una sa Balita

Politiko nangulangot sa FB live

0 632

Nandiri ang mga netizen sa isang politiko matapos itong mangulangot habang naka-live sa Facebook.

Dahil sa pinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon, naburyong umano sa bahay itong politiko kaya naisipan nitong makipag-usap sa mga follower niya sa FB.

Sa kalagitnaan ng kanyang FB live, aba’y bigla ba naman nitong kinalikot ang kanyang ilong at tinanggal ang nakabarang kulangot.

Natawa na lamang ang iba sa ginawa ng politiko, pero marami ang nandiri sa kanyang ginawa.

Pintahan nyo na. Ang politikong nangulangot sa FB live ay natalo sa nakaraang halalan at may letrang S sa kanyang apelyido.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More