Una sa Balita

Politiko nanggigil sa malusog na dibdib

By
0 1,564

SINO daw itong politiko sa Luzon na mahilig sa babaeng malaki ang dibdib?

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban kung paano pinanggigilan ng politiko ang dibdib ng isang babae, aba’y walang binatbat sa ginawa ng bishop na nanghipo sa boobs ni Ariana Grande.

Isang araw kasi, bumisita ang isang babaeng hindi naman kagandahan subalit mala-bitukang manok ang kurbada ng katawan.

Subalit natakam nang husto ang politiko sa nag-uumapaw na dibdib ng babae, kaya’t nilapitan niya ito at pasimpleng dumampi ang palad nito sa ibabaw ng dibdib.

Upang makalusot sa panghihipo, sinabi ba naman ng politiko na napakaganda daw ng kuwintas ng dalaga, pero ang kamay nito ay nakalapat naman sa dibdib ng babae.

Hindi naman pumalag ang babae dahil parang nabigla din ito, pero hindi na niya pinalaki ang isyu dahil kahit paano ay type pala siya ng politiko.

Pintahan n’yo na. Ang politiko ay balak nang magretiro sa trabaho. May letrang ‘B’ sa kanyang pangalan as in Babaero siya.