Una sa Balita

Politiko naki-ride sa kasikatan ng TV exec

0 575

PUTOK na putok ngayon ang pangalan ng isang television executive matapos­ itong hangaan sa kanyang pagdalo sa Senate hearing.

Marami sa mga kababaihan ang biglang nagka-crush sa tv exec dahil sa kaguwapuhan at katalinuhan nito.

Bukod dito, marami rin ang na-impres sa ­kalinisan nito at pagi­ging maginoo.

Hindi naman nakaligtas sa isang politiko ang kasikatan ng tv exec matapos nitong ungkatin na ka-batchmate niya ito sa pinasukang eskuwelahan.

Ang mga nagtapos daw sa naturang eskuwelahan ay tahimik lang at humble pero mga achiever.

Mabuti na lamang at hindi binanggit ng politiko na kasing pogi niya ang tv exec dahil tiyak na marami ang magsusuka dito.

Pintahan niyo na. Ang politikong naki-ride sa kasikatan ng TV exec ay talo sa ­nakaraang halalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More