Una sa Balita

Politiko ‘nagpakain’ ng kahoy sa birthday

By
0 638

Imbes na maghanda ng masasarap na pagkain sa kanyang birthday, kahoy ang ‘ipinakain’ ng isang politiko sa kanyang mga bisita.

Mahilig kasi sa la­rong chess ang makunat na politiko, kaya’t nu’ng magdiwang siya ng kaarawan ay niyaya niya ang mga kaibigan.

Napag-alaman ni Mang Teban na imbes na hainan ng pagkain ang ilang bisita, aba’y pinaglaro daw ng politiko ng chess ang mga ito kung saan nagsawa sila sa kakakain ng piyesa na gawang kahoy.

Gusto lang kasing magbuhat ng bangko ang politiko na maga­ling siya sa larong ahedres pero ginawa niya ito sa okasyon ng kanyang birthday.

Nagpatsibog naman daw ang makunat na politiko matapos ang kanyang mini-tournament pero hindi man lang nabusog ang ilang bisita dahil ‘yung iba ay toothpick na lamang ang inabutan.

Pintahan n’yo na. Ang politiko na nagpa­kain ng kahoy sa birthday ay natalong sa nakaraang halalan. May letrang C sa kanyang pangalan, as in Checkmate.