Una sa Balita

Politiko nagpa-raffle ng mga prosti

0 650

MAY kakaibang Christmas gift daw na binibigay ang matandang politiko sa mga kaibigan niyang mahilig sa good time.

Imbes na pera ang pamasko niya rito, mga bayarang babae ang binibigay ng politiko sa kanyang mga kaibigan.

Siyempre, hindi magpapakita ang politiko na kasama ang mga tsiks dahil baka mayari siya sa social media.

Ang inuutusan niya ay ang mga staff niyang nakatoka sa dirty jobs.

Kinuha raw ng kanyang mga staff sa casa ang mga babae at dinala sa isang hotel upang doon ipa-raffle sa mga kaibigan ng politiko.

Para nga naman wa­lang gulangan sa pagpili ng babae, ­pina-raffle ng staff ang pamamahagi ng mga prosti.

Tuwang-tuwa naman ang mga kolokoy sa natanggap na special gift mula sa politiko.

Pintahan niyo na. Ang politiko na nagpa-raffle ng mga prosti ay taga-Luzon at may letrang D sa kanyang apelyido.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More