Una sa Balita

Politiko nag-gate crash sa SONA

0 562

SINO raw itong politiko ang nag-gate crash sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes nang hapon?
Sa kabila kasi ng higpit ng seguridad, nakapasok ang politiko sa session hall kahit walang invitation.

Pagala-gala pa raw ito sa session hall kahit na hindi naman siya miyembro ng Kamara o Senado.

Inokupahan daw ni mokong ang bakanteng upuan upang magmukhang lehitimo siyang miyembro ng Kamara.

‘Yun nga lang, hindi siya kasama sa botohan ng speakership dahil sa pagiging hao-shiao nito.

Pero ang classic dito, para siyang lehitimong mambabatas dahil sa nakikipagtsikahan pa ito sa mga kongresista, animo’y tunay na mambabatas.

Pintahan niyo na. Ang politikong nag-gate crash sa SONA ng Pangulo ay natalo sa nakaraang halalan. May letrang B sa kanyang pangalan as in Binidyo ang eskandalo ng politiko.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy