Una sa Balita

Politiko matatakutin sa ulan

0 251

Game daw ang isang politiko sa mga lakaran kahit anong oras at ­saang lugar.

Ang kinaayawan lang niya ay kapag hindi nakikisama ang panahon o kung umuulan.

Natuklasan ni Mang Teban na itong mayamang politiko, nagbabago ang anyo kapag naambunan.

Abante Hiring – IT dep

Mula daw sa pagi­ging mabait na nila­lang, aba’y nagta-transform sa malupit na amo sa kanyang mga staff.

Minsan kasi, ina­butan sila ng ulan sa probinsiya, aba’y big­lang pinagalitan ng politiko ang kanyang mga staff dahil hindi siya naabisuhan sa sama ng panahon.

Walang dalang pa­yong ang alalay ng politiko, kaya’t cap na lang ang ibinigay ng staff sa kanyang amo para lang ito kumalma.

Pintahan nyo na. Ang politiko na nagbabagong anyo kapag naambunan ang bumbunan ay kilalang naliligo sa pera. May letrang M sa kanyang pangalan as in Money.