Una sa Balita

Politiko kinantyawan sa P300 raffle prize

0 353

Katakot-takot na kantyaw ang inabot ng isang politiko matapos umano itong mag-abot ng P300 bilang premyo sa raffle.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na binaha ng tawag at text ang politiko matapos mabalitaan ang karampot na cash prize nito.

Akala siguro ng politiko ay gagamitin lang papremyo sa TODA ang cash prize na kasya na sana bilang pang-gasolina pero ang hindi niya alam ay mga bigatin ang guest ng event.

Pinakamababa kasi ang P5,000 cash prize na premyo, mga gadget at trip abroad kaya’t bukod tanging naiiba ang P300 ng politiko.

Pintahan nIyo na. Ang politiko na nagraffle ng P300 sa isang event ay sanggang dikit ng da­ting Pangulo ng bansa at may letrang A sa kanyang pangalan as in Anda o datung.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy