Una sa Balita

Politiko isinuka ng ka-tandem

By
0 717

PLANTSADO na sana ang plano ng isang politiko sa 2019 elections dahil nakahanap na ito ng makakatambal sa pagtakbo sa kanilang lungsod.

Subalit sa isang iglap, isinuka ang lady politician ng kanyang makakatambal sa dara­ting na halalan.

Sa nakalap na impormasyon ni Mang Teban, natauhan daw si Mayor kaya dinispatsa ang lady politician.

Natuklasan siguro ni Mayor na magiging bagahe niya ang kanyang ka-tandem, kaya bago maghain ng certificate of candidacy ay nagpa-sub na ito.

Bagama’t kilalang trapo ang gustong kuma­bit, eheste maging running mate ni Ma­yor, itong lady politician ay ilang beses nang natalo sa eleksyon.

Maganda lang kasi ang mukha niya sa pos­ter, pero ang ugali ay ka­singbaho ng inidoro.

Pintahan n’yo na. Ang lady politician na isinuka ng kanyang ka-tandem ay kilalang sinungaling din. May letrang S sa kanyang pangalan, as in Sandamakmak ang kanyang makeup.