Una sa Balita

Politiko ginutom sa eroplano

0 559

Ayaw na raw sumakay ng isang politiko sa isang airline mula sa Gitnang Sila­ngan.

Nagkaroon ito ng phobia sa pagsakay sa dayuhang airline matapos magutom sa mahabang biyahe patungong Middle East.

Hindi kasi nagustuhan ng politiko ang inihaing pagkain kaya’t puros panulak lang ang tinira nito tulad ng tubig, softdrink at kape.

Wala namang maibigay ang flight crew na pagkaing pumasa sa panlasa ng politiko.

Kaya pagdating niya sa kanyang destinasyon, agad itong tumungo ng restaurant at doon ay kumain ng masasarap na putahe.

Pintahan n’yo na. Ang politikong ginutom sa eroplano ay may katabaan. May letrang E sa kanyang pangalan, as in Eat.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy