Una sa Balita

Politiko ginawang utusan sa contest

By
0 843

Kilala siya na mara­ming kasambahay, utusan at mga bodyguard upang hindi mahirapan sa buhay. Kapag nasa pro­binsiya­ naman, may tagabitbit pa ng pa­yong sa babaeng politiko upang hindi siya masunog sa matinding sikat ng araw.

Pero isang araw, nagmukhang katulong si Madam matapos pagbitbitin ng mabigat na bagay sa isang contest.

Kinaya ni madam na magbitbit ng life-size cardboard na naglalaman ng premyo sa isang contest dahil sa dami ng nakatutok na camera.

Hindi naman nakalusot sa mga netizen ang ginawa ng politiko dahil halata na umeepal lang si Madam.

Nagmukhang awkwar­d din daw ang postura ni Madam sa pagbuhat ng higanteng cardboard, ayon sa nakalap na impormasyon ng petmalung spy na si Mang Teban­.

Mataas kasi ang ambis­yon ng politiko kaya pina­tulan ang pinagagawa sa kanya kahit na magmukha siyang katawa-tawa sa pagbitbit ng higanteng cardboard.

Pintahan niyo na. Ang politiko na nagbuhat ng higanteng cardboard ‘in aid of election’ ay kilalang malupit sa staff. May letrang C sa kanyang pangalan as in Chokoleit dahil kamukha daw niya ang sikat na komedyante.