Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Politiko dinaga sa resbak ng presidentiable

0 194

Malayo pa ang Halloween pero mistulang nakakita na ng multo ang isang kandidato for governor matapos masulyapan ang isang grupo ng mamamahayag na may suot na media ID, iba ay isang dangkal ang haba.

Kung ang ibang kandidato ay halos tumambling para lamang mapansin ng media, itong si Mr. Politician naman ay parang diring-diri at hindi malaman ang gagawing diskarte para mataksan ang mga manunulat na nag-aabang sa kanya.

Ayon sa sumbong ng ilang ‘Marites’ kay Mang Teban, gusto raw ng mga mamamahayag na tanungin si Mr. Politician kung sino ang i-eendorsong kandidato sa pagka-presidente.

Ito namang ating bida, mukha hindi pa alam ang isasagot o ayaw lang isapubliko ang kanyang napangakuang susuportahan sa takot na magantihan kapag iba ang nanalong kandidato sa May 9 elections.

Sa takot ni Mr. Politician ay nagmamadali itong lumabas at kulang na lamang ay iharang sa kanyang likuran ang mga dinaraang tao para lamang makasiguro na hindi maaabutan ng mga may dala ng mikropono.

Pintahan niyo na. Si Mr. Politician ay namumuno sa isang probinsyang malapit sa Metro Manila. Siya ay mayroong letrang M sa kanyang pangalan as in ‘mumu’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.