Una sa Balita

Politiko bumalimbing sa kalaban

By
0 1,559

Nag-ala Kevin Durant ang isang politiko sa Metro Manila dahil sa binabalak na pagbalimbing nito sa kalaban sa kanilang lungsod.

Ang kaibahan lang ng basketball player sa politiko, galing sa talunan na Oklahoma City Thunder si Durant nang lumipat sa Golden State Warriors noong 2016, pero itong politiko, wagi ito sa nakaraang halalan at nagbabalak na maki­pag-alyansa sa lumalakas na politician sa kanilang lugar.

Nalaman ni Mang Teban na nagkaharap daw ang politiko at ang kalaban nito noong nakaraang linggo.

Binalak daw ng politiko na dumalaw ng ha­tinggabi para hindi maabutan ang maraming tao sa kampo ng kanyang kalaban.

Subalit pagdating niya sa lugar ng kalabang politiko, nabigla ang balimbing na politiko dahil naabutan niya ang sangkatutak na supporter ng kalabang politiko.

Imbes na matakot, aba’y mistulang sinamantala pa ng politiko ang pagkakataon, nang magpahiwatig ng pagsuporta sa kalabang politiko.

Pintahan niyo na. Ang politiko na bumalim­bing sa kalaban ay mahilig magpagawa ng overpass. May letrang T sa kanyang pangalan as in Talon.