Una sa Balita

Polish coach palalakasin ang dancesport team

0 263

KABABALIK lang ng bansa ng PH DanceSport Team mula sa 1-week dance camp sa Italy bilang parte ng paghahanda sa 30th Southeast Asian Games 2019 na iho-host ng mga Pinoy sa Nobyembre 30-Dis­yembre 11.

Pero ‘di natatapos doon ang pagsasanay ng koponan dahil nakatakda muling sumailalim sa training sa certified world champion Polish coach/athlete na si Alina Nowak, na nito lang Oktubre 19 ay nagwagi sa Adult Latin Division sa World Open Championships kapareha ni Edgar Marcos Borjas.

“’Yung mga athlete ko, they just came from Italy, where they attended a dance camp, they are in rigid training. And then I have a coach coming in this week, si Alina Nowak. They are focused on their training now, they are all passionate about the sport, they are dedicated,” ani DanceSport Council of the Philippines president Rebecca Garcia.

Winalis ng DanceSport ang dalawang medalyang ginto sa 2005 PH SEA Games, pero ayaw ni Garcia na magbigay ng prediksiyon kung ilan ang mapapasakamay ng mga mana­nayaw mula sa 12-gold na paglalaba­nan ngayong taong SEAG.

“We are the hosts and it’s not right (to predict). All I can say is we always hope for the best. The last SEA games that we hosted here, we had 2 golds and 2 silvers. We had a very good showing then. Now, our athletes are really doing their best, training hard, magagaling naman talaga tayo,” wakas ni Garcia.

Ikinatuwa naman ni Philippine Sports Commision (PSC) Chairman William Ramirez ang resulta ng ­foreign exposure ng mga pambansang mananayaw.

“Our athletes have shown determination to improve,” sabi ni Ramirez. “There are reasons to be hopeful of a better performance when the SEA Games come.” ( Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More