Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Polio outbreak sa bansa natuldukan na

0 8

Natuldukan na ang polio outbreak sa Pilipinas matapos makapagbigay ng aabot sa may 30 milyong bakuna sa mga bata.

Ito ang kunumpirma nitong Biyernes ng World Health Organization (WHO), Department of Health (DOH), UNICEF at iba pang partners.

Sinabi ni WHO PH Rep. Dr. Rabindra Abeyasinghe sa ginanap na virtual preascon na may 11 milyong mga bata na nabakunahan sa 13 vaccination rounds.

Ayon kay Dr. Abiyasinghe, ito ang pinakamalaking logistical effort para sa polio sa ating bansa.

Kasabay nito , pinuri rin ng WHO ang polio vaccination sa bansa kahit pa naharap sa mga hamon na dala ng COVID. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.