Una sa Balita

Policewoman minura, sinaktan: EPD chief sibak

0 622

By Edwin Balasa/Vick Aquino

PINATALSIK ni National­ Capital Region Police Office (NCRPO) chief Police Major Guillermo Eleazar sa puwesto si Eastern Police District (EPD) chief Brig. General Christopher Tambungan matapos umanong manakit ng babaeng pulis nitong nakaraang buwan.

Ayon kay Eleazar, bina­tukan, sinabihan pa ng masasakit na salita at sadyang binuksan ang pinto ng sasakyan upang tamaan ang lady cop na si P/Cpl. April Santiago.

Naganap ang insidente noong Mayo 12 alas-siyete nang gabi sa Police Community Precint 1 (PCP-1) sa Brgy. Greenhills, San Juan City kung saan nakatalaga si Santia­go, dumating umano si Tambungan sakay ng van at nakikipag-usap sa una.

Base sa nakita sa CCTV monitor, tila hindi nagustuhan ni Tambu­ngan ang sagot ni Santiago na nauwi sa pagpalo nito sa sombrero ng babaeng pulis habang ang hepe ay nakasakay sa isang Innova van.

Nakita pa sa monitor na itinulak pabukas ni Tambungan ang pinto ng kotse na kung saan ay tinamaan si Santiago at napaatras.

Ayaw na umanong magsampa ng reklamo ni Santiago dahil sa natatakot ito na balikan ni Tambungan kapag ginawa niyang magreklamo at siya pa ang masibak sa serbisyo saad pa ni Eleazar.

Pansamantalang inilipat si Tambungan sa tanggapan ni Eleazar habang itinalaga bilang Officer in Charge (OIC) ng EPD si deputy district director for administration Police Colonel Florendo Quebuyen habang iniimbestigahan ang kaso.

Sinabi naman ni PNP Chief Police General Oscar Albayalde na mayroong legal service na puwedeng magbigay ng abogado kay Santiago na maaring magbigay ng ayuda sa kanyang gagawing reklamo kay Tambungan.

Pero aniya, sakaling hindi magsampa ng criminal case si Santiago ay uusad pa rin naman ang administrative case laban sa sinibak na hepe.

Paliwanag pa ni Albayalde, mali ang ginawang pananakit ni Tambungan dahil ‘gender­ sensitive’ ang PNP.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy