Una sa Balita

Police official allergic sa krimen

By
0 380

Pinulutan ng mga mamahayag ang isang opisyal ng Quezon City Police District (QCPD) dahil napaka-suplado daw nito at parang may ‘monthly period’ kapag iniinterbyu sa mga nangyayaring kriminalidad sa kaniyang nasasakupan.

Parang gusto kasing palabasin nitong ating bidang si colonel na ‘peaceful’ ang kaniyang nasasakupan kaya kapag hinihingan ng detalye ay nakasimangot ito at sasabihin na wala pa raw siyang hawak na spot report.

Minsan nga may nag-follow-up na reporter sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso nilang hawak na inireklamo ng isang dalaga na lasing na lasing na natagpuan sa isang motel na dinala umano doon ng kaanak ng may ari ng kilalang club sa QC.

Umirap si sir at sinabing hindi pa raw nahuhuli sabay iniba ang usapan. Parang ayaw na niyang pag-usapan pina-follow up pa raw ng kaniyang mga tauhan.

Pero kapag may huli silang mga adik o tulak ng ipinagbabawal na droga siya pa ang tumatawag ng mga media para mailathala ang kanilang huli.

Kaya nga natatawa na lang sa kaniya ‘yung mga reporter baka daw ‘pag may nangyayaring krimen sa lugar ni colonel natataon naman na may ‘monthly period’ ang ating bida.

Pintahan niyo na. Ang police official na mainitin ang ulo kapag ini-interview ay may letrang R sa apelyido as in Regla.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy