Una sa Balita

Police colonel binaril ng tauhan sa presinto

0 542

MALUBHANG nasugatan ang isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) makaraang harapang barilin ng kanyang tauhan habang nagtatalo sa loob ng tanggapan ng Police Mobile Force Company (PMFC) sa Agusan del Sur, nitong Biyernes ng gabi.

Sa report, ang insidente ay naganap dakong alas-9:25 ng gabi (Disyembre 6) sa ADS 2nd PMFC Barak’s, Purok-1, Bunawan Brook, Bunawan, Agusan del Sur.
Ang biktima ay nakilalang si Police Lt. Col, Rex B. Lomente, may asawa, nasa hustong gulang, force commander, ng ADS 2nd PMFC, sa Bunawan Brook, Bunawan.

Agad namang tumakas ang suspek na si Patrolman Jhon Paul J. Gerida, Class-2015 ALAGAD, nasa hustong gulang, may asawa, nakata­laga sa ADS 2nd PMFC company.

Sa inisyal na imbestigasyon, nagtatalo umano ang biktima at suspek sa loob ng nasabing presinto nang biglang bunutin ni Gerida ang .45 cal. pistol at pinaputukan ang colonel.

Nang marinig ang putok ng baril ay agad rumesponde ang mga tauhan ng colonel at isinugod sa Bunawan District Hospital ang duguang opisyal bago inilipat sa Tagum Regional Hospital kung saan ito’y nakaratay.

Patuloy pang tinutugis ng mga awtoridad ang tumakas na pulis. (Dolly Cabreza)

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More