Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Police car na nag-dive sa bangin, di convoy ni Eleazar

0 18

NILINAW ng Philippine National Police na hindi kasama ng security convoy ni chief Gen. Guillermo Eleazar ang nahulog na police mobile sa Sitio Lutangan, Brgy. Kapatagan, Digos City, Davao del Sur.

Sa report ni P/Maj. Eudisan Gultiano, Chief Public Information Office ng Police Regional Office 11, sinabi nito na ang naturang police car ay kabilang sa validating team.

Pinasinungalingan rin nito ang ulat na security detail umano ng PNP Chief ang mga ito.

Sinabi ni Gultiano, na kilalang matarik ang bahagi ng kalsada kung saan nahulog ang police mobile.

Iniiwasan naman ng pulis na makabangga sa sinusundan niyang sasakyan kaya napakabig at nahulog sa bangin.

Nagtamo ng minor injuries ang walong pulis. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.