Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Police captain niratrat, pamilya nadamay

0 229

Todas ang isang opisyal ng Southern Poice District (SPD) habang sugatan ang asawa at anak nito nang ambusin sa Imus City, Cavite, kahapon ng umaga.

Kinilala ang napatay na si Police Captain Ariel Ilagan, 48, habang ginagamot ang asawa nito na si Mary Grace at anak na isang college student.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa mga suspek na sakay ng isang kulay pula na Toyota Innova na nakatakas matapos ang pananambang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sa ulat ni Corporal Jessie Villanueva ng Imus City Police Station, nagmamaneho ang pulis kasama ang kanyang asawa’t anak at papasok umano sila sa trabaho pero pagsapit sa panulukan ng Lakersfield Subd. at Alapan Road, Brgy Alapan 1-B ng naturang lungsod ay pinagbabaril si Ilagan gamit ang isang M16 rifle ng mga suspek, dakong alas-6 ng umaga.

Nasawi si PCapt. Ilagan sanhi ng tama ng bala sa kanyang katawan habang sa kanang kamay tinamaan ang kanyang asawa at kaliwang hita naman ang kanilang anak.

Ayon kay Villanueva, hindi umano rehistrado ang sasakyang ginamit ng mga suspek base sa kanilang beripikasyon.

Inaalam pa ng Cavite Police sa motibo sa pananambang. (Gene Adsuara)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.