Una sa Balita

Police asset, itinumba

By
0 8

Patay ang isang asset ng Cabuyao Police station matapos na ito ay barilin ng isang lalaki sa Barangay Paciano Rizal, Calamba City, Laguna kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Gilbert Dela Cruz Atienza, 40-anyos, residente ng nasabing barangay.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-10:00 ng gabi, nagwawalis sa harap ng kanyang bahay ang biktima nang dumating ang suspek.

Walang sabi-sabing binaril nito ang biktima na nagtamo ng tama ng bala sa likod ng kanyang ulo.

Agad itong isinugod sa Calamba Doctors Hospital subalit idineklara itong dead on arrival ng doktor.

Sa followup investigation, napag-alaman na isa umanong ‘Don Pepe’ na involved sa ilegal na droga ang nagbabanta sa suspek dahil sa pagiging informer nito ng mga pulis.