Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pole dancing nagpanganga sa buong mundo

0 409

Isa pang dapat masubukan ay ang pole dancing. Maraming misjudgements tungkol sa pole dance. Sikat ito as a dance performed only in strip clubs as an erotic dance. Ngunit hindi lang ito para sa mga strippers, it also gained popularity as a mainstream form of fitness practiced by many enthusiasts in gyms and in dedicated dance studios. Hindi lingid sa kaalaman ng marami na maraming amateur and professional pole dancing competitions sa ibang bansa.

Ang pole dance ay kombinasyon ng dance at acrobatics on a vertical pole. Sinasabing nagsimula ang gamitin ang poles in acrobatic entertainment 800 years ago in India. Ang Mallakhamb at Chinese Pole ay nag-umpisa sa India. Noong 1870s sa USA ang pole dancing ay halos walang pinag-iba sa travelling sideshows. Dinadayo nila ang mga events to experience exotic dancing from around the world, kasama dito ang belly dancing mula sa Middle East at pole dancing sa Asia.

Pagdating naman ng 1920s, ginamit ng mga dancers pang halina ng paying customers sa mga shows ang pagsayaw ng sexy tulad ng pag-gyrate ng katawan against the pole. At dahil sexual in nature ang movements ng dancer, madalas magkasama ang pole dancing at burlesque shows noon bago ito nailipat sa mga bars.

Noong 1890-1990s naman na-associate ang pole dancing sa strip clubs and adult industry.

However, during this time more athletic and acrobatic tricks were combined into pole and striptease routines. Sumikat ito associated with attractive women dancing in their underwear, with high-heeled shoes and men putting dollar bills into her bikini bottoms. At dahil dito, naging curious ang mga tao dahil mukha nga namang napakahirap.

Pagdating naman ng 1990s, sinimulan ng ituro ito as an art and a form of fitness for the first time. Unti unting kumalat ito sa America, Europa at Australia.

Bagamat nanatili ito sa mga specialized settings tulad ng strip clubs and bars, namangha ang mga at humanga sa angling athleticism ng mga more performers.

Mid-2000s paakyat ang pole dancing bilang fitness ay unti unting sumikat. Dumami ang pole fitness classes. Unti-unti ring nagkaroon ng mga International Pole Dancing Championship Events.

Noong mid-2010s ay nagpatuloy ang pole dancers to level up and push the limits. Nag-transform sa mas sophisticated and innovative ang mga choreography na nagpanganga sa buong mundo.

Lalo itong sumikat ng nagustuhan ng mga social media influencers and celebrities. Isa sa mga recent stars na namataan sa pole ay si Jennifer Lopez para sa movie na Hustle. Ilan pa sa kanila ay sina Jennifer Lawrence, Madonna, Shakira, Emma Watson, Jennifer Anniston, Kim Kardashian, Demi Moore and Britney Spears at Carmen Electra. Ang hot momma and celebrity na si Ciara Sotto naman ang matunog na pangalan for pole dancing dito sa Pilipinas.

Kaya naman noong 2003, sinimulan ni KT Coates, isang pole dance instructor, ang campaign para isama ang Pole Dancing na Olympic sport.

Kaya 2017 ang Olympic Committee ay in-awaed ang pole dancing bilang ‘special observer” status. Ibig sabihin nito ay they officially recognise pole dancing as a sport at hindi lamang as an erotic dance found in strip clubs. Mahaba haba pa ang journey ng pole dance na mapasama sa Olympics.

Sana ay magtuloy tuloy pa ang progress ng pole dancing na mapasama sa Olympics. Marami tayong local talents na pwedeng ilaban. Sa ngayon, mag level up sa niyong fitness goals at subukan na ang pole dancing!
Don’t forget to slide me a DM sa Instagram @thera.peach .

Leave A Reply

Your email address will not be published.