Una sa Balita

Pokwang sobrang proud na kamukha si You Do Note Girl

0 359

Hindi napipikon, bagkus ay super proud pa si Pokwang na kahawig niya ang sumisikat na batang babae ngayon, si ‘You Do Note Girl’ o Marjorry “Majo” Lingat.

Katunayan, naglabas pa nga si Pokwang ng photo niya na kuha nung grade 2 siya, na kung saan ay kahawig na kahawig nga niya si Majo.

“Sabi ko na eh. Hahahaha! Hindi ako dragon!” natatawang caption pa ni Pokwang sa photo na magkatabi sila ni Majo.

Magkahulma nga ang mukha, bangs nina ­Pokwang at Majo. At puwede nga na maging ­mag-ina­ sila sa teleserye o pelikula, ha!

Siyanga pala, tulad ni Pokwang, malaki raw ang future sa komedya ni Majo.
Anyway, birthday nga kahapon ni Pokwang at 47 years old na raw siya at hindi 49 na tulad ng sinasabi ng iba. At sabi nga, mukhang bata para sa edad niya.

Wala raw filter ang mga photo na pinu-post niya, at dasal at pasasalamat nga lang daw ang dahilan kung bakit mukha siyang bata. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy