Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pokwang sinopla si Roque sa ‘bakasyon’

0 103

Isa nga si Pokwang sa naloka sa pahayag ni Spox Harry Roque na, ‘We have to recover lost time. Napakatagal na po nating nakabakasyon. Let us have faith in our economic team.’

Ito nga `yung usapin tungkol sa pagtanggal bilang mga holiday sa mga araw na noon pa man ay nakasanayan na nating ‘bakasyon’ tulad ng Dec. 24 at Dec. 31.

Ang tinutukoy nga ni Spox. Roque na ‘bakasyon’ ang halos isang taon na nga nating pagkakakulong sa bahay, dulot na rin ng pandemya. Pagkakakulong na hindi naman puwedeng sabihing bakasyon, dahil karamihan nga ay nagtatrabaho rin (kaya nauso ang work from home).

SM food to go Banner Ad

Heto nga ang reaksiyon ni Pokwang:

“Hindi po bakasyon ang tawag don sir! Be sensitive naman po! Bakasyon ba matatawag ‘yung umiiyak ka gabi-gabi kasi wala ka na trabaho? Pano na pamilya at pangkabuhayan nyo? Bakasyon po ba ‘yung need mo isara negosyo mo kasi may pandemia? Kung ganyan ang bakasyo eh ‘di ayoko na magbakasyon!”

Well… (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.