Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pokwang sigurado na ang pag-alis sa Dos

0 2,474

Yes! #VoteYestoABSCBN ang makikita mong mensahe ni Pokwang sa kanyang Instagram.

“Para sa mga kaibigan kong camera man, makeup artists, utility, security guard, drivers, janitors, event marshals, #IbalikAngABSCBN sila talaga ang pinakakinakaawaan ko please sa mga mangbabatas po kahit para sakanila nalang po sila na tunay na dapat lingunin nyo,” ang pakiusap na mensahe pa ni Pokwang.

Pero, sa sagot niya sa isang netizen, tila kinumpirma na nga niya ang pag-alis sa Dos.

Sabi kasi ni misspendon: “mukat mukat makikita mo si Pokwang nasa kabilang istasyon na.”

At heto nga ang sagot ng komedyana:

“@misspendon yes totoo naman yan kasi last year pa ako nagpapaalam wala pang pandemic at bearing sa prangkisa, yes matagal na akong nagpaalam pero di ako pinayagan, alam ng mga boss yan!”

Meaning, last year pa nga ginustong umalis ni Pokwang sa channel 2, pero hindi siya pinayagan. Pero sa sitwasyon ngayon, mukhang tuloy na nga ang paglipat niya ng ibang istasyon.

“Hindi ba pwede sumuporta muna bago umalis? May mga kaibigan akong maiiwan teh!” sey niya.

Meaning, buo na ang loob niya, at tila pinayagan na nga siyang magpaalam sa Dos.

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.