Una sa Balita

Pokwang pinapak ng mga ‘niknik’ sa Bulacan

By
0 2,470

Ilang araw na lang ay matatapos na ang shooting­ ng bagong indie­ film na pinagbibidahan­ ni Pokwang na ‘Sol Searching’.

Komportableng-komportable na ang komedyana­ sa paggawa ng indie film, kahit na hindi sikat tulad niya at ng mga kapwa niya artista ang mga kasama niya rito na talaga namang wala raw kaarte-arte o ere sa katawan. Ganun din daw ang direktor at buong staff and crew ay magaang katrabaho.

Wala raw silang holding­ area o tent na air-conditioned sa mga location nila sa iba’t ibang parte ng probinsya ng Bulacan, gaya ng sa mga mainstream movie at teleserye.

Abante Hiring – IT dep

Nandiyan daw ang nakakagat sila ng mga ­insekto na kung tawagin ay ‘niknik’ na kapag hindi mo raw nalagyan agad ng gamot ang area sa balat mo kung saan ka unang kinagat ay lilipat daw ito sa ibang lugar ng katawan mo.

Pero kahit busy na ulit si Pokie sa shooting at taping,­ madalas pa rin niyang nasusubaybayan ang bunsong­ anak nila ng kanyang beloved partner na si Lee O’Brian na si Baby Malia habang ala-alaga ng kanyang yayey sa bahay nila sa pamamagitan ng high-tech camera na iniregalo ng magandang ninang ni Baby Malia na si Angel Locsin.

Bukod sa regular TV show na Banana Sundae tuwing Linggo sa ABS-CBN at guest appearance last Saturday sa ‘Ipaglaban Mo’, abangan din si Pokwang sa isang bagong teleserye.